KULONG ANG 2 MENOR DE EDAD SA BAYAN NG BALER, AURORA

Inaresto na ang dalawang menor de edad na suspek sa mga nakawang naganap sa Bayan ng Baler, Aurora.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na may case no. 4970 na inilabas ni Honorable Judge Maximo Ancheta Jr. ng Regional Trial Court Brach 90, nadakip ang isang 16 at 17 anyos na bata, kapwa residente ng Barangay Pingit ng nabanggit na Bayan dahil sa mga kinasasangkutan nilang kaso ng pagnanakaw.

Ayon sa Baler PNP sa pangunguna ni P/Ins. Maynard D. Pascual, at sa gabay ni  PSI. Noel C. Palmero, inaresto ang dalawa, sila umano ang suspek at responsable sa mga panloloob sa mga istablisiyemento sa naturang Bayan. 

Nakakulong na dalawa sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, aabot sa 24,000 piso ang Bail. (Arnel M. Turzar)

Comments