LALAKI PATAY, ASAWA SUGATAN - Casiguran, Aurora

Patay ang isang lalaki at nagtamo ng gasgas ang asawa nito matapos silang salpukin  ng isang motorsiklo nitong nakaraang Martes sa Bayan ng Casiguran, Aurora.

Ang biktima ay kinilalang si Edgardo Freginal, 51 taong gulang, naninirahan sa Barangay Calantas, Casiguran, Aurora.

Ayon sa imbestigasyon ng Casiguran PNP sa pangunguna ni SPO1 Alex Espaňa, dakong ala-una ng hapon noong Hunyo 4, 2013, patungo ang biktima kasama ang kanyang asawa sa Barangay Dibacong ng nasabing Bayan sakay ng kanilang motorsiklo. Habang binabagtas umano ng biktima ang kahabaan ng lansangan ng Barangay Tinib, lumiko umano ang biktima sa kaliwang bahagi ng lansangan, hindi nito napansin na may kasunod itong motorsiklo na minamaneho ng menor de edad at nagkataong paovertake, dahil sa mabilis ang takbo ng kasunod hindi na nagawang umiwas, at sumalpok na ito.

Nabali ang paa ng biktima at nagtamo ito ng malalang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nasiyang kinasawi nito, habang nagtamo rin ng gasgas sa katawan ang angkas nitong asawa na si Gng. Cristina Freginal, 52 taong gulang.

Naidala pa umano sa Casiguran District Hospital ang biktima subalit dalawang oras lamang ang lumipas binawian din ng buhay.

Dahil minor de edad na may edad na labingpito ang sangkot sa insidente  ang kaso ay pansamantalang nakabinbin  tiniyak naman ng otoridad na pagsumapit na sa hustong gulang ang suskpek ay papatawan ito ng kaukulang kaso. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments