LALAKI SINAKSAK, KRITIKAL - Baler, Aurora

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagsasakin noong Lunes sa Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Ayon sa Baler PNP, dakong alas-10:05 nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang kawani ng Premier General Hopital sa Barangay Suklayin, Baler na mayroon silang pasyente,  biktima ng pananaksak na kinilalang si Jonathan E. Delo Santos, 24 na taong gulang, binata, residente sa Barangay kung saan naganap ang insidente.

Ayon sa paunang imbestigation ng awtoridad, dakong ika-9:45 ng  gabi noong ika-24 ng Hunyo, 2013 naganap ang pananaksak sa biktima ng suspek na kinilalang si Anthony N. Aguilando, 24 na taong gulang, residente rin sa pinangyarihan.

Kasalukuyang natutulog ang biktima nang bigla umano itong guluhin at sasakin sa dibdib ni Aguilando gamit ang kutsilyo, sa hindi pa malamang dahilan. Lasing umano ang suspek nang naganap ang insidente.

Agad namang naaresto ng mga pulis si Aguilando, at nakakulong na ito sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, sa kasong Prostrated Homicide. (Arnel M. Turzar)

Comments