LALAKI SUMEMPLANG MUNTIK NANG MAPUTOL ANG DILA - San Luis, Aurora

Nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan at halos maputol ang dila ng isang binata matapos itong sumemplang ang kayang minamanehong motorsiklo sa Barangay San Jose, San Luis, Aurora kamakailan.

Ang biktima ay kinilalang si Sabino Lopez, 35 taong gulang, at residente ng Barangay Quirino, Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa biktima dakong alas-kuwatro ng hapon habang binabagtas niya ang kahabaan ng lansangan sa Barangay San Jose, mula sa Bayan ng Baler, sa palikong bahagi nito nawalan sya ng kontrol at sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo at nagpagulong gulong. Nakainom umano ng alak ang biktima.

Sa lakas ng impak nakagat umano niya ang kanyang dila na muntik nang maputol, umabot sa halos kalahati ang sugat nito.

Agad namang naidala sa Aurora Memorial Hospital ang biktima. Sa pagmamalasakit at tulong ni Dr. Roberto Corea, nagamot at naibalik sa dati ang dila ng biktima.

Samantala, nananawagan naman ang mga motorista sa kinauukulan na bigyan pansin ang mga buhangin sa sementong lansangan na nagdudulot ng panganib sa mga motorista. (Arnel M. Turzar/Raul Mendoza)

Comments