LALAKI TUMAWID SA KALSADA, MOTORSIKLO SUMEMPLANG - Maria Aurora, Aurora

Sumemplang ang isang Babae dahil sa pag-iwas sa pagtawid ng isang lalaki sa Barangay San Juaqin, Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa biktimang si Maricel Gofpredo y Abenojar, 22 taong gulang, residente ng Barangay Malasin, ng nabanggit na bayan, binabagtas umano niya ang kahabaan ng Pambansang lansangan patungo sa kanilang Barangay, ng bigla umanong tumawid sa kalsada ang isang lalaki, dahil sa pag-iwas nito, hindi umano niya nakontrol kayat sumemplang ang kanyang minamanehong mortsiklo, Smash, walang plate number.

Sa kabutihang palad kaunting gasgas lang sa katawan ang natamo ng naturang biktima. (Arnel M. Turzar)

Comments