LALAKING NAG-AMOK, NAKULONG - Baler, Aurora

Sinampahan ng kasong Attempted Homicide ang isang lalaki matapos nitong tangkain na tagain ang isang kostomer sa isang Videoke Bar sa Barangay Sabang, Baler, Aurora kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Joselito “alyas” Barsibu”  Lumasac  y Ruado, 23 taong gulang, residente ng Barangay Bacong, San Luis, Aurora, at waiter sa nasabing Videoke bar.

Ayon sa imbestigasyon ng Baler PNP, dakong alas-10:30 ng gabi noong Mayo 31, 2013, kinuha ng suspek ang kiwis o bolo isang compartment ng tricycle sa labas ng Bar at pumasok ito sa loob daladala ang bolo at nag-amok umano ang suspek sa loob ng Bar at pinagtataga ang mga lamesa sa loob.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong Attempted Homicide na may Docket No. IV-01-INQ-13F-055 at ito ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments