LOLA AT APO, BINUNDOL, NAGTAMO NG GASGAS SA KATAWAN - San Luis, Aurora

Nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang bata at ang lola nito, matapos silang bundulin ng kasunod na Motoesiklo sa Sitio Hacienda, Barangay Nonong Sr. San Luis, Aurora.

Ayon sa pagsisiyasat ng San Luis PNP, dakong ika-2:40 ng hapon kahapon, galing umano ang mga biktimang sina Hailey Abuan Gloria at Guerrero at ang apo nitong bata sa Bayan ng San Luis, habang binabagtas ng maglola ang kahabaan ng lansangang patungo sa Barangay Ditumabo ng nasabing Bayan, sakay ng kanilang tricycle Honda wave na may plakang VF 3255 , bigla uano silang binundol ng kasunod nilang motorsiklo, Rusi na may plakang 2394 IT, na minamaneho ni Jeffry Lopez at ang angkas nitong si Rommel Payumo, kapwa residente ng Barangay Reserva, Baler, Aurora.

Sa lakas ng pagkakabundol, bumanga ang sinasakyan ng mga biktima sa gater sa gilid ng kalsada at bumaliktad pa ito, habang bumaliktad din ang sinasakyan ng suspek.

Dahil sa insidente, paraparehong nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at ang nakabundol.

Agad naman naidala ang mga ito sa pagamutan, para lapatan ng karampatang lunas. (Arnel M. Turzar)

Comments