LOLA PATAY, NABUNDOL NG DELICA VAN - Dipaculao, Aurora

Patay ang isang lola ng itoy aksidenteng mabundol ng humahagibis na Delica Van kahapon dakong alas-10:27 ng umaga sa Bayan ng Dipaculao, Aurora.

Ang biktima na agad ding binawian ng buhay ay nakilalang si Tita Drapeza, 72 taong gulang, residente ng Barangay Mucdol, Dipaculao, Aurora.

Samantalang ang driver ng Delica Van na may Plate No. RNB 238 na nakabundol sa biktima ay nakilala naman na si Agbayani Demie, na diumanoy empleyado ng DENR.

Ayon sa inisyal na imbetigasyon nina PO3 Eduardo Elisan at PO2 Salvador Colbongan ng Dipaculao Police Station, sakay ang biktima ng kanyang tri-bike at nagtitinda ng kakanin sa naturang lugar ng bigla umano itong mabundol ng Delica Van na minamaneho ni Demie, sa lakas ng pagkabangga tumalsik umano ang tri-bike kasama ang biktima.

Agad namang naidala sa Aurora Memorial Hospital ang biktima subalit makaraan lamang ang ilang sandali ay binawian din ito ng buhay. (Rey S. Fernando)

Comments