LUMABAG SA R.A 9262, ARESTADO SA BAYAN NG MARIA AURORA, AURORA

Inaresto ang isang lalaki sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora kahapon (Hunyo 25) sa kaso nitong paglabag sa Republic Act 9262.

Sa bisa ng Warrant of Arrest, may Criminal Case No. 4535 na inilabas ni Honorable Judge Corazon D. Soluren, dakong alas-10:00 ng umaga  dinakip ng Mariar Aurora PNP ang suspek na kinilalang si Frederick Estemada, 33 taong gulang, residente ng Barangay 04, Maria Aurora, Aurora.

Si Estemada ay nahaharap sa kasong baglabag sa Sec.5 (A) ng Republic Act 9262, maskilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Their Children o VAWC, dahil sa umanoy pananakit nito sa isang menor de edad na babae.

Ang suspek ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler, at ito ay may piyansang 12 libong piso. (Arnel M. Turzar)

Comments