MADILIM NA LANSANGAN, IDINARAING PARIN - Maria Aurora, Aurora

Bahagyang nabigyan ng pansin at aksyon ang street light na idinaraing mga residente partikular sa bahagi ng Paro Street, Barangay 04, Maria Aurora, Aurora.

Ito ay bunsod ng hindi pa maunawaang pangyayari kung bakit ang kalahating bahagi lamang ng Street ang nabigyan ng pansin.

Samantalang idinaraing din ang Catipon at Silvestre  Street sa Barangay 02 na nanatiling madilim ang nasabing lansangan.

Patuloy parin itong ipinanawagan ng mga concern citizen at mga apektado  lalo na sa mga ginagabi ang pagdating mula sa biyahe. Hiling nila sa kinauukulan na bigyang pasin ito  sapagkat nagbabanta ito ng panganib lalo na sa dis-oras ng gabi. (Remy Bitong)

Comments