MAG-AARAL SUMAILALIM SA FIRE AT EARTH QUAKE DRILL - Maria Aurora, Aurora

Sumailalim sa Fire at Earth Quake Drill ang lahat ng mag-aaral ng Maount Carmel School of Maria Aurora sa pamamagitan ng mga kawani ng Pamatay Sunog sa Maria Aurora, Aurora.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ni Fire Chief Martial SFO1 Cecilio Bolante Jr. na kung saan ay sinuportahan ng kanyang kawani. Nagging tagapanayam naman sina FO1 Gatchalian at FO1 Delos Trinos, ganoon din si FO2 Mintac na kung saan ay nagbigay ng mga tips at mga maaaring gawin lalo na sa panahon ng may sunog at lindol.

Naging maayos naman ng responde ng mga mag-aaral at buhay na buhay ang pakikiisa ng mga ito na kung saan ay nakita ng mga lecturer matapos ang kanilang maayos na pakikisangkot at gampanin na kailangan gawin sa nasabing pagsasanay.

Nagkaroon ng aktuwal na paggamit ng fire distinguisher na kung saan ito ay sinangkutan ng mga guro at mag-aaral kung paano ito gamitin.

Inaaasahan ang ganitong gawain ay magtutuloy tuloy lalo na sa paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Nagpahayag naman ng taus pusong pasasalamat ang butihing Punong Guro ng naturang paaralan na si Sir Joey Deleon, kasama ang mga manggagawa nito, sapagkat malaking bagay aniya ang nasabing pagsasanay na kung saan ay magbubunga ng kaligtasan para sa maraming mag-aaral. (Remidio Bitong)

Comments