MOTORSIKLO SUMALPOK SA AMBULANSIYA, 2 MENOR DE EDAD PATAY 1 KRITIKAL - Dingalan, Aurora

Patay ang dalawang menor de edad habang nagtamo ng malalang pinsala sa katawan ang isa pang 16 taong gulang ng aksidente silang mabangga ng Ambulansiya sa Bayan ng Dingalan, Aurora.

Kinilala ang dalawang biktimang namatay na sina John Mark Conchada, 17 taong gulang, at si Bryan Gueta, 15 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Aplaya.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, dakung alas-10:00 ng gabi noong Hunyo 23, 2013, binabagtas umano ng tatlo ang kahabaan ng Barangay Poblacion National Road, sakay ng isang motorsiklong Bajaj na may Plate no. 7527 XA, na minamaneho ni John Mark Conchada at angkas nito ang dalawa, nang bigla umanong silang salpukin ng  nakasalubong na Ambulansiya ng Munisipyo.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima na nagging dahilan ng pagkasawi ng dalwa.

Naidala pa umano ang mga biktima sa pagumutan subalit hindi nagtagal binawian din ang mga ito ng buhay, habang malala parin ang kundisyon ni Ricky Conchada na ngayon ay kasalukuyan pang nasa PJG Hopital sa Cabanauan City.

Kinilala naman ang driver ng Ambulansiya na may plakang SKP 939 na si Ricardo Lopez Jr., at ngayon ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Dingalan PNP. (Arnel M. Turzar)

Comments