MOTORSIKLO BUMANGGA, 3 PATAY - San Luis, Aurora

Patay ang tatlong kalakihan matapos itong bumangga sa poste ng Traffic Signage at puno ng niyog nitong Lunes sa Bayan ng San Luis, Aurora.

Kinilala ang mga biktima na sina Dexter C. Amansec , driver, 17 taong gulang,at ang dalawa nitong back riders na sina Ton-Ton B. Antonis, 18 taong gulang, at Jeremy J. Galande, 20 taong gulang, kapwa mga residente ng Barangay Mucdol , Dipaculao, Aurora.

Ayon sa police report, nakatangap umano ng tawag mula kay mayor Annabelle C. Tangson ang San Luis PNP na may naganap na aksidente sa Sitio Hiwlayan, Barangay Bacong, San Luis, Aurora, na agad naman nila itong nirespondehan sa pangunguna ni SPO1 Clarence  Guzman.
Pagdating ng grupo sa lugar ay nadatnan nila ang mga biktima na nakabulagta at tumilapon pa sa sakahan dahil sa umanoy lakas ng pagkaka banga ng mga ito, agad naman dinala sa Aurora Memorial Hospital ang mga biktima subalit idineklara ni Dr. Roberto Corea attending physician na dead on arrival ang mga ito.

Ayon sa mga nakasaksi sa naturang insidente, dakong alas-10:30 ng gabi nang makita nilang mabilis umano ang takbo ng mga biktima lulan ng kanilang STX motorcycle at wala umanong ilaw. Kaya ito umano ang sanhi ng pagkakabang ng mga ito sa poste ng Traffic Signage at puno ng niyog. (George Balbero/Arnel M. Turzar)

Comments