NAG-AMOK AT NAGPAPUTOK NG BARIL INARESTO - Baler, Aurora

Arestado ang dalawang lalaki matapos na mag-amok ang mga ito sa Sitio Labasin, Barangay Sabang, Baler Aurora.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong ika-1:30 ng umaga nitong Hunyo 23, 2013, nang magka iringan sina Atty. Reuben A. Tadena II, 36 na taong gulang, residente ng Gomez Street, Poblacion, Makati City at isang kinilalang Biboy.

Nagtalo umano ang dalawa at napigilan naman ni Mark T. Esponosa, Surf Instructor ng Aliya Camp Surf.

Makaraan ito ay umalis si Tandena, ngunit ilang sandali lang ay muli itong bumalik sukbit ang baril caliber 45 at hinahanap nito si Biboy.

Nang mapansin ito ni Mark Espinosa na may dalang baril ang Abugado ay muli niya itong pinigilan at inagawan ng baril pagkatapos ay pinaputok sa taas ng dalawang beses.

Inaresto ang mga suspects na agad dinala sa Aurora Provincial Crime Laboratory para I-examin.

Nakatakda naman idala ngayong araw ang mga ito sa Office of the Provincial Prosecutor para masampahan ng kaukulang kaso laban sa kanila. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments