NAGSALPUKAN, SUGATAN ANG 6 NA KALALAKIHAN - Maria Aurora, Aurora

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang anim (6) na kalalakihan matapos na magsalpukan ang kaparehong nitong sinasakyang motorsiklo sa Barangay San Joaquin, Maria Aurora,  Aurora nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na sina Romel D. Regonaos 39 na taong gulang, driver ng Honda TMX 155 na may plakang 8056 UD, at ang dalawa nitong angkas na sina Romy D. Regonaos, 23 taong gulang at Romeo D. Regonaos 32 taong gulang kapwa mga residente sa Barangay San Agustin, CSF, Pampanga.

Louie D. Dukha, 25 taong gulang, driver ng Yamaha Vega na may plakang 6925 RL, at ang dalawa nitong angkas na sina Eugene T. Dukha, 22 taong gulang at Christopher R. Nardo 25 taong gulang, kapwa mga residente naman ng Barangay Wenceslao, Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa imbestigasyon ng Maria Aurora PNP, dakong alas-6:45 ng umaga noong Hunyo 2, 2013 habang binabagtas nina Romel Regonaos at ang dalawa nitong angkas ang kahabaan ng lansangan sa Barangay San Juaquin sakay ng motorsiklo patungo sa bayan ng Maria Aurora nang makasalubong nito sina Louie Dukha at ang dalawa nitong angkas sakay din ng motorsiklo. Bigla umanong kumabila ng linya sina Dukha at sumalpok ito sa kasalubong.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang mga biktima. At agad naman itong dinala sa Aurora Memorial Hospital sa Barangay Reserva Baler, Aurora para lapatan ng karampatang lunas. (Arnel M. Turzar)

Comments