NAHULIHAN NG BARIL INARESTO - Dinadiawan, Dipaculao, Aurora

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mahulian ng baril sa Blue Beach Resort, Upper Bulos, Brangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora.

Ang suspek ay kinilalang si Epriham Sabado Estibon, 26 na taong gulang, binata at residente ng Barangay Calaw Alicia Isabela.

Ayon sa police report dakong ika-9 ng gabi noong araw ng Biyernes ng magtungo sa kanilang himpilan si Artemeo Pacleb, 29 na taong gulang care taker ng nasabing resort. 

Sa salaysay ng care taker, lasing na umano ang suspek habang nagkakantahan ng biglang may nalaglag na sanga ng kahoy na inakala ng suspek na may bumato sa kanila, agad sya nitong pinatawag  at habang pinapagalitan ay kinakasa pa umano sa kanyang harapan ang baril.

Dahil sa takot agad nitong inireport sa himpilan ng polisya na nakabase sa kanilang Barangay na sya namang bilis ang pag ayuda ng mga  otoridad sa pangunguna ni Police Inspektor Edgardo Javar ng 2nd platoon compact base.

Pagdating ng grupo sa lugar ay itinuro ng biktima ang suspek na agad inaresto at naaktohan pang nakasukbit sa kanyang bewang ang calibre 45, isang magazine at 7 live ammos.

Kahapon ay inihatid na sa Panlalawigang Piitan sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of fire arm o violation of R.A. 8294 (George Balbero)

Comments