PANUNUMPA NG MGA OPISYAL NG BAYAN NG MARIA AURORA, NGAYONG ARAW.



Isasagawa ngayong araw (Hunyo 27) ang Turn Over at Oath taking Ceremony ng mga bagong halal na Opisyal ng Maria Aurora, Aurora.

Ang panunumpa ay pangungunahan ni bagong halal Municipal Mayor Honorable Amado Geneta, susundan ni bagong halal bilang Municipal Vice Mayor Ariel S. Bitong, at ang mga Sanguniang Bayan Member.

Ang panunumpa ay isasagawa sa pangunguna ni Governor Bellaflor Angara-Castillo na ngayon ay Lone District Representative ng Aurora.

Ang nasabing pagtatalaga ay magsisimula maayang alas-diyes ng umaga (Hunyo 27, 2013) sa harapan ng Munisipyo sa naturang bayan.

Inaasahan din na dadalo ang lahat ng Barangay opisyal para saksihan ang pagtatalaga sa bagong administrasyon. (Arnel M Turzar/Guiller Necesito)

Comments