PATAY, BATA TINUKLAW NG AHAS - Maria Aurora, Aurora

Patay ang isang pitong taon na bata matapos itong matuklaw ng Philippine King Cobra sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora kamakailan.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Romulo Rivera, 7 taong gulang, at residente ng Barangay 01, Maria Aurora.

Ayon sa ama nitong si Romulo Rivera, dakong ika-2:00 ng hapon noong Mayo 31, 2013 nagtatabas umano si mang Mulo sa kanilang bakuran habang naglalaro naman si Mark malapit sa isang punso na may butas, pinagsabihan naman umano ng ama ang anak na huwag gagalawin ang  punso, subalit nang makatalikod ang ama ay dinukot ng bata ang butas, dito kinabahan si mang Mulo nang marinig niyang umiiyak ang kanyang anak, at nang kanya itong lapitan ay dumudugo na ang kanang kamay ng bata at hindi na nagawang itakbo sa pagamutan ang biktima dahil agad umano itong bumagsak at nangisay at bumubula pa ang bibig, patunay umano na malakas ang kamandag ng ahas na cobra. Namatay ang biktima at namatay din ang cobra.

Ayon pa kay mang Mulo, ang biktima ay mag-aaral at mabait na bata, punong puno sila ng pag-asa para maiahon sila sa hirap. Si Mark ay panganay na anak, (Guiller Necesito)

Comments