POWER PLUS STORE NINAKAWAN - Baler, Aurora

Nilooban at pinagnakawan ang isang istablisiyemento sa Bayan ng Baler, Aurora nitong Hunyo 01, 2013

Anyon sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong ika-siyam ng umaga noong Sabado ng magtungo sa kanilang himpilan ang isa sa mga training clerk ng Power Plus General Merchandize para i-report na nilooban ang kanilang pinagtatrabahuhan sa Quezon Highway, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa pangunguna ni PO2 Lovie Bryan Valenzuela para ikumperma ang nasabing sumbong.

Pagdating ng grupo sa lugar ay kumpermado na nilooban at pinagnakawan ang nasabing tindahan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na sinira umano ng kawatan ang bubong sa likurang bahagi ng istablisiyemento na ito ang kanyang ginawang daan paloob at palabas.

Natangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang 20 pirasong ACE Tablet at nilimas pati ang pera sa Drawer na nagkakahalaga sa mahigit P200.

Sa ngayon ay patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang suspek sa naturang panloloob. (George Balbero)

Comments