PRESYO NG GULAY, TUMAAS - Baler, Aurora

Tumaas ng P10.00 kada kilo ang presyo ng gulay Baguio tulad ng repolyo, patatas, sayote, carrots, beans at petsay baguio. Naglalaro ang presyo nito sa halagang P40.00 hanggang P80.00 ang kada kilo sa Pampublikong Pamilihan ng Baler.

Naglalaro naman sa halagang P70.00 hanggang P80.00 sa kada kilo ang sibuyas habang P20.00 naman ang luya.

Naglalaro naman sa halangang P32.00 hanggang P44.00 ang kada kilo ng bigas habang nasa P50.00 hanggang P55.00 naman ang malagkit.

Ang presyo ng isdang dagat ay naglalaro sa halagang P70.00 hanggang P180.00 kada kilo depende sa klase nito, samantala ang isdang bangus ay P140.00 at ang tilapia ay P110.00.

Sa Karneng Baka ay naglalaro sa halagang P80.00 hanggang P200.00 ang kada kilo, ang karneng baboy naman ay naglalaro sa P150.00 hanggang P200.00, habang ang karneng manok ay nasa P90.00 hanggang P140.00 ang kada kilo.

Ang pagtaas ng presyo ng ilang uri ng gulay ay bunsod umano ng pagpasok ng tag-ulan sa bansa. (Arnel M. Turzar)

Comments