PRESYO NG PETROLYO BAHAGYANG TUMAAS - Baler, Aurora

Bahagyang nagpatupad ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang gasolinahan sa Aurora partikular sa Bayan ng Baler, budsod ito ng pagtaas ng presyo nitong June 12 huling nagtaas ang ilang kumpaya ng produktong petrolyo sa pambansang pamilihan.

Naglalaro ngayon sa halaggang P48.81 hanggang P49.20 kada litro ang presyo ng Diesel
Naglalaro naman ang presyo ng Regular gasoline sa halaggang P53.98 hanggang P55.50 ang kada litro.

Ang presyo naman ng Unleaded gasoline ay naglalaro sa halagang P54.12 hanggang P56.00 kada litro.

Ang Premium gasoline ay naglalaro sa halaggang P55.30 hanggang P56.40 kada lito.

Habang ang presyo ng Kerosene ay naglalaro sa halagang P50.07 hanggang P51.33 ang kada litro. (Arnel M. Turzar)

Comments