PRESYO NG PETROLYO, TUMAAS NANAMAN - Baler, Aurora

Nagpatupad na naman ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa halagang  P0.70 ang kada litro sa Unleaded at Premium gasoline at P0.40 naman sa Diesel at Kerosene ang ilang istasyon ng petrolyo sa Aurora partikular sa Bayan ng Baler.

Bunsod ito ng muling pagtaas ng presyo sa ilang pambansang pamilihan ng produktong petrolyo nitong Martes Hunyo 4, 2013 unang pagtaas sa buwan ng Hunyo.

Naglalaro ang presyo ng Diesel sa halagang P45.15 hanggang P49.20 ang kada litro.
Ang presyo ng Unleaded gasoline ay naglalaro sa halagang P52.77 hanggang P55.15 kada litro.

Sa Premium gasoline ay naglalaro sa halagang P54.79 hanggang P56.50 sa kada litro.
Ang Regular gasoline ay naglalaro sa P52.88 hanggang P55.10 kada litro.

Ang presyo naman ng Kerosene ay naglalaro sa P50.07 hanggang P51.48 ang kada litro. (Arnel M. Turzar)

Comments