PROBLEMA SA TUBIG NASOLUSIYONAN NA - Dinadiawan, Dipaculao, Aurora

Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora dahil sa wakas ay nasolusyunan na rin ang kanilang problema sa mahinang daloy ng tubig na gamit sa pang-araw araw.

Ayon sa panayam ng CMN News sa ilang residente sa nasabing lugar, nagpapasalamat sila sa Dinadiawan Barangay Water Association o DIBAWASA dahil naresolba na ang matagal na nilang suliranin sa kanilang Barangay.

Hiling pa ng Karamihan na sana ay magtuloy-tuloy na ang ganda ng pamamahagi sa tubig upang magtuloy tuloy narin daw umano ang ganda ng progreso sa naturang Barangay. (George Balbero)

Comments