SUMUNOD NARING NAGPATUPAD NG TAAS PRESYO ANG ILANG GASOLINAHAN SA AURORA

Nagpatupad na rin ng pagtaas ng  presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang istasyon ng gasolina sa lalawigan ng Aurora partikular sa Bayan ng Baler. Bunsod umano ito ng panglimang beses na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pambansang pamilihan nitong nakaraang Linggo.

Ang kasalukuyang presyo ng Diesel ay naglalaro sa halagang P49.00 pesos hanggang P50.26 ang kada litro habang nasa P54.18  hanggang P55.95 naman ang presyo ng gasolinang Regular.

Naglalaro naman sa presyong  P55.03 ang gasolinang Unleaded  hanggang P57.00  habang nasa P55.98 hanggang P57.03 naman ang Premium. Ang kerosene ay nasa P51.58 hanggang P52.63.

Sakali umanong magtaas ng presyo sa pambansang pamilihan ngayong linggo, asahan na magtataas na  rin umano sila ng presyo. (Arnel M. Turzar)

Comments