TINDAHAN NATANGAYAN NG 3,000 PISO - Maria Aurora, Aurora

Nilooban at pinagnakawang ang isang tindahan sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa may-ari nitong si Nieves Danco y Sabado, 69 taong gulang, residente ng Purok 3, Barangay 03, ng nabanggit na Bayan, dakong alas-sais ng umaga noong araw ng Linggo, Hunyo 16, 2013, nang matuklasan nilang nilooban ang kanilang tindahan ng mga kawatang hindi pa nakikilala.

Sinira umano ang kandado ng pinto ng naturang tindahan na siyang nagsilbing daanan paloob at palabas dito.

Natangay mula sa nasabing istablisiyemento ang mahigit 3,000 piso at mga paninda.

Ang naturang isidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng mga otoridad para malaman at managot ang salarin. (Arnel M. Turzar)

Comments