TRICYCLE BINUNDOL NG VAN, 2 SAKAY NAHIMATAY - San Luis, Aurora

Nagtamo ng sugat sa ulo at gasagas sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang lalaki matapos itong banggain ng isang kulay puting van ang sinasakyan nilang tricycle nitong Lunes sa Hiwalayan, San Luis, Aurora.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jaime Berber, 59 anyos, at John Henry Nolasco, 22 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ayon sa ama ni Nolasco, sa pagitang ng ika-9:00 at 10:00 ng gabi noong Hunyo 3, 2013, galing umano ang dalawang biktima sa bayan ng San Luis pauwi na sa Baler, sakay ng tricycle, nang bigla nalamang umanong bundulin ng kasunod nilang Van ang kanilang sinasakyang tricycle, sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang dalawa at pinulot ng mga sumaklolo na kapwa walang malay, bumangga pa umano sa puno ng niyog ang tricycle at nagkayupi yupi, samantalang mabilis namang humarurot ang van matapos ang pangyayari.

Sa tulong ni Arman Soliman, member ng Hiwalayan TODA, agad idinala sa Aurora Memorial Hospital ang dalawa upang agad na lapatan ng lunas ang mga ito.

Nananawagan naman ang dalawang biktima sa nakasaksi sa pangyayari at kung nakilala ng mga ito ang plate number ng van na mangyaring makipag-unayan sa otoridad ng San Luis upang mapanagot sa Batas ang driver ng naturang Van. (Rey Fernando)

Comments