VIZCONDE PHARMACY NINAKAWAN - Maria Aurora, Aurora

Nilooban at pinagnakawan ng mahigit Php.5,000.00 ang Vizconde Pharmacy sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora kamakailan.

Sa impormasyon nakalap ng CMN News, ang kawatan ay dumaan sa pamamagitan ng pagbaklas sa kisame ng naturang Parmasya na siyang nagsilbing dinaanan ng kawatan, sa panulukan ng Paro at JP Rizal Street sa Barangay 04.

Nangyari ang insidente noong gabi ng Sabado at natuklasan ito noong umaga Linggo, ito ay natuklasan matapos buksan ng tagapangasiwa dito na anak ng may-ari ng nasabing Parmasya na si John Victor Vizconde  para sa operasyon nito.

Natangay umano ng kawatang ang mahigit 5,000 piso mula sa nasabing istablisyemento. (Remidio Bitong)

Comments