WALANG TATANGGALIN NA KAWANI NG PAMAHALAN NG MARIA AURORA

Pagbigyan na lang ang mga matatagal ng kawani ng maria aurora, aurora at huwag nang tanggalin pa.

Ito ang naging panawagan kahapon ni outgoing mayor at incoming vice mayor Ariel Bitong ng bayan ng Maria Aurora sa kanyang pananalita matapos papanumpain ni Governor Bellaflor Angara Castillo bilang bagong bisde alkalde ng naturang bayan.

Tumutukoy kay incoming mayor Amado Geneta, sinabi ni bitong na mula pa sa dating alkalde noval ng Maria Aurora at kanyang ama na dati ring nagging punong bayan doon, wala siyang tinanggal na kawani ng pamahalaang local, sa halip, pinanatili niya ito bilang katuwang niya sa paghahatid ng serbisyo sa bayan.

Patango naman itong sinang-ayunan ni incoming mayor Amado Geneta na nagging dahilan na malakas na palakpakan ng mga kawaning sumaksi sa naturang pagtitipon.

Comments