120 pirasong abandonadong kahoy, narekober sa Aurora National Park.

Narecover ang mahigit 120 pirasong kahoy sa loob ng Aurora National park sa Sitio Dimasangay, Barangay Villa, Maria Aurora noong Sabado, Hulyo 20, 2013.

Ayon sa Maria Aurora PNP, nagkatanggap umano sila ng ulat mula sa nasabing lugar na may mga kahoy na ilalabas sana ng mga ilegalista.

Agad namang romesponde ang kapulisan sa pangunguna ni P/SINSP Victor Basil B. Morales at ang Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna naman ni Fortunato Ortiz. Agad na nagtungo sa lugar ang grupo upang kumpirmahin ang ulat na natanggap. Pagdating sa lugar  doon inabutan ang mga iniwang kahoy ng hindi nakilalang mga ilegalista.

Agad na kinumpiska ng grupo ang naturang kahoy at ito ngayon ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng DENR sa Provincial Environment ang Natural Resources Office sa Barangay Pingit, Baler, Aurora. 

Inaalam pa kung ilan bd.ft. ang mga kahoy at kung sino ang responsible sa pamumutol nito. (Arnel M. Turzar)

Comments