70 libong bd. ft. na kahoy gagamitin sa pabahay, pinigilan ng DENR Dingalan

Mariing tinutulan ni G. Manuel Sebial, Opisyal ng CENRO Dingalan, ang paggamit ng kahoy sa proyektong pabahay ng DSWD sa naturang bayan.

Ang housing project ay Binubuo ng isang-daang unit ng pabahay na ayon kay Sebial ang kahoy na gagamitin ay aabot sa ng 70 libong bd. ft. kung saan Base sa impormasyong ang mga kahoy na gagamitin ay bibilihin umano ng lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Dikapanikian, Alasanay at Dimanayat.

Sinabi ni Sebial na nakipag-usap na ito kay Dingalan Mayor Zenaida Padiernos at sa opisyal ng MSWD at ipinaliwanag nito na hindi siya sang-ayon sa paggamit ng kahoy sa naturang proyekto.

Sumang-ayon naman umano si padiernos na mga bakal na lamang ang gamitin sa nabanggit na proyektong pabahay. (Rey S. Fernando)

Comments