Alternative Learning System ng DepEd, mabisang pamuksa sa mal-edukasyon.

Patuloy ang Alternative Learning System sa nagbibigay ng pagkakataong makapag-aral ang lahat ng mahihirap sa pamamagitan ng kanilang mga programa. 

Ang Alternative Learning System sa lalawigan ng Aurora ay isang programang libreng Edukasyon na ipinatutupad ng Department of Education sa ilalim ng Bureau Alternative Learning System.

Ito ay pakikinabangan ng mga hindi makapag-aral sa pormal iskul at masusunod ang oras na itinakda ng mag-aaral. 

 Layunin ng ALS na buksan ang maraming pagkakataon na pang edukasyon para sa mamamayang Pilipino, mga kakayahang demograpikong katangian, socio economic origin at katayuan pati narin pagtugon sa pangangailangan ng grupong mahihirap.

Napapaiksi ng programa ang oras upang matapos ang elementarya o sekondarya at malaki ang kabawasan sa mga gastusin.

Maliban sa pag-asang maibibigay nito sa mga mahihirap, nagbibigay din ito ng pagkakataon sa mga Out of School Youth at sa mga hindi na nakapag-aral.

Tinatanggap ng programang ALS ang edad mula labing isa taon pataas para sa elementary, labing limang taong gulang pataas naman ang para sa sekondarya katulad ng mga manggagawa, may asawa’t pamilya, mga katulong na hindi makapag-aral sa regular iskul, mga drivers, mga kasapi ng cultural minorities, katutubo at may kapansanan. (Arnel M. Turzar)

Comments