Apat pa ang inaresto ng PNP sa bayan ng Maria Aurora

Umabot na sa apat ang naaresto ng Maria Aurora PNP mula noong Hulyo 1 hanggan nitong Hulyo 15, 2013 sa pinalakas na kampanya ng kanilang himpilan laban sa krimen.

Dalawa dito ay may kaso sa Regional Trial Court  o RTC at kasalukuyang nakakulong sa Panlalawigang Piitan ng Aurora, habang ang dalawa ay may kaso sa Municipal Circuit Trial Court o MCTC, isa dito ay nakakulong at ang isa naman ay pansamantalang nakalaya sa bisa ng kanyang piyansa.

Matatandaang noong buwang ng Hunyo ay nakaaresto ang naturang ahensya ng anim na wanted.

Ayon sa PNP paiigtingin pa nila ang kampanya laban sa krimen at mga illegal na gawain at kampanya laban sa illegal drug. (Arnel M. Turzar)

Comments