Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Maria Aurora, makaraan itoy mapagbintangang nagnakaw ng kabing

Arestado ang isang lalaki sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora kamakailan, makaraang ito ay mapagbintangan na nagnakaw ng kambing sa nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si Julius Pabrown y Forteza alyas “Agoy” 37 taong gulang, may asawa, tricycle driver, at residente ng Barangay 02 sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng PNP, dakong alas-tres ng hapon nang  maaresto ang suspek sa isinagawang manhunt Charlie operation ng Maria Aurora PNP sa pangunguna ni P/SINSP Vitor Basil B. Morales sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case no. 3719 na inilabas ni Honorable Judge Jonald P. Hernandez ng Municipal Circuit Trial Court Maria Aurora na may petsang July 15, 2013.

Si Pabrown ay kasalukuyan ng nakakulong sa piitan ng PNP Maria Aurora, at aabot sa sampong libong piso ang rekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang laya habang dinidinig ang kaso. (Arnel M. Turzar)

Comments