BAGUHANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG AURORA, NAG-COURTESY CALL, MGA KAWANI NATUWA

Nagtungo at nag-Courtesy Call sa mga Department Head si Hon. Antonio Curitana   sa mga tanggapan ng Pamahalaan noong Lunes.

Dakong alas-9:00 ng umaga pinangunahan ni Hon. Antonio Curitana Bokal ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Aurora na itapak ang kanyang paa sa lupa para Makita ang kalagayan, pangangailangan at kumustahin ang mga empleyado ng  Kapitolyo.

Ayon sa mga Department Head, kauna-unahan umano sa kasaysayan na may Bokal na nag-kortisiya  sa kanilang  mga departamento.

Ayon naman kay Bokal Curitana, nakasanayan aniya ang ganitong gawain dahil noong siya ay nasa military pa na kung saan bago siya bigyan ng designation dapat umanong maikot muna ang lahat ng division at  section chief. (Joseph P. Molina)

Comments