BALER PNP, NAGSAGAWA NG FEEDING PROGRAM SA BRGY. ZABALI

Ikinatuwa ng daan-daang kabataang mag-aaral ng Carmen T. Valenzuela Elementary School sa Sitio Cemento, Barangay Zabali, Baler, Aurora kamakailan ang Feeding Program ng Baler Philippine National Police bilang bahagi sa pagsasakatuparan ng  Police Community Relation Month o PCRM ngayong buwan ng Hulyo sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 764.

Dakong alas-8:30 ng umaga nagsimula ang programa at natapos ito dakong alas-10:00 ng umaga. Bago ang Feeding program, nagkaroon muna ng symposium sa naturang paaralan na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ika-7 antas sa pangunguna ni SPO3 Zaide P. Ritual sa patnubay ni P/INS Noel Palmero.

Ang symposium ay may kaugnayan sa Illegal drugs at ang Republic Act 7610. Dito ipinaliwanag ng otoridad ang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa tao at sa lipunan, kasabay nito ang pinaiigting na kampanya laban sa druga. Dito rin pinaliwanag ang RA 7610 na kung saan para malaman ng mga kabataan ang kanilang mga karapatan para maiwasan ang pang-aabuso sa hanay ng kabataan.

Ginawa ang naturang programa sa temang “Serbisyong Makatotohanan at Matatag na Ugnayan ng Pambansang Polisya at Mamamayan Tungo sa Matuwid na Daan.

Ang ganitong gawain ay taun-taon isinasagawa sa Bayan ng Baler tuwing buwan ng Hulyo. (Arnel M. Turzar)

Comments