Barangay Paltic sa bayan ng Dingalan, muli nanamang binaha

Binaha nanaman ng halos maghapon  ang Barangay Paltic sa bayan Dingalan, Aurora dahil sa halos magdamag maghapong sa walang tigil na pagbuhos ng ulan kahapon (Hulyo 29).

Nagsimula ang pagragasa ng tubig mula sa kabundukan dakong ika-siyam ng umaga na halos kalahating oras lamang umabot na sa tatlo hanggang apat na talampakan ang lalim ng tubig.

Hindi umano kayang dumaloy sa imbornal ang dami ng tubig na umaagos dahil maliliit lamang ang mga ito.

Hindi rin nadaan ang spill way na nag-uugnay sa Barangay Paltic at Poblacion na naging sanhi ng paghinto sa daloy ng transportasyon paloob at palabas sa naturang Barangay.  Dahil sa pagragasa ng tubig sa ilog na nagmumula sa barangay Dabil-dabilan at Paltic.

Maliban sa Barangay Paltic, umapaw din ang tubig at hindi nadaranan ng sasakayan ang mabababang pahagi ng kalsada sa Barangay Ibuna, Matawi at Umiray. 

Dahil dito, nananawagan ang mga apektadong residente na sanay aksyunan naman ng lokal na pamahalaan ng Dingalan ang suliraning ito upang hindi anila mabalam ang daloy ng transportasyon at kalakalan sa naturang mga lugar. (Arnel M. Turzar/Eduard Ramos)

Comments