BAYAN NG DINGALAN, BINISITA NI GOV. NOVERAS

Binisita ni Aurora Governor Gerardo “Gerry” Noveras ang bayan ng Dingalan noong Martes (Hulyo 10), kanyang inalam ang kagyat na pangangailangan ng naturang Bayan.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang dumating ang butihing ama ng Lalawigan sa Barangay Matawe sa kanyang dinaluhang Launching ng produktong Banana cheap na pinangunahan ng Department of Triad and Industry o DTI para ilunsad ang naturang produkto. Matapos ang launching nagtungo si Noveras  sa Barangay Butas na Bato at nagsagawa ng pagpupulong sa mga piling lider ng bawat Barangay ng Dingalan. Dito napag-usapan ang mga plano, hinaing at suwestiyon ng mga mamamayan ng Dingalan.

Nais iprayuridad ni Niveras ang usapin sa kalusugan at kaligtasan katulad ng Hopital, at kanyang tinuran na dapat pondohan ang mga pasilidad ng pagamutan at sasakyang ambulansiya.

Kasama sa prayuridad ni Noveras ang pagsasaayos ng kalsada mula sa Barangay Butas na Bato hanggan sa Barangay Umiray at mula Umaray hanggan sa Sitio Singawan.

Binisita rin ni Gov. Noveras ang Famers Training Center o FTC sa Barangay Poblacion at ito ay kanyang siniyasat para malaman kung ano ang mga kagyat na pangangailangan at mga gamit ng nasabing Center.
Mag-lalaan umano ng dalawang araw kada buwan si Gov. Noveras para bisitahin ang bayan ng Dingalan.  (Marlon Padua)

Comments