Berong Bubero ng BFP, ipinakilala sa publiko.

Ipinakilala sa mga paaralan si “Berong” Bumbero, isang mascot ng Bureau of Fire Protection upang makipagkaibigan sa mga mamamayan partikular sa mga kabataan.

Ang aktibidad na ito ay tinawag ng mga taga BFP na “Sinta drive”. Layunin nitong pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng mamamayan at ng nasabing ahensya.

Naniniwala ang ahensya na ang pakikipagkaibigan sa komonodad ay makakatulong upang lubos na magtiwala ang tinutulungan sa taga-apula ng sunog nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakaisa at mabawasan ang Higit na pinaslang dulot ng sunog.

Matapos na ipakilala sa mga paaralan si Berong Bumbero, makikita naman ito sa mga matataong lugar katulad ng terminal at palengke. (George Balbero)

Comments