Biometrics Voter Registration ng Comelec sa bayan ng Dingalan, dinadagsa parin

Dinadagsa parin ng mga nagparehistro ang tanggapan ng Commissions on Election sa bayan ng Dingalan, Aurora para magpa- Biometrics Voting Registration habang nalalapit huling araw ng pagrerehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 28.

Ito ay alinsunod parinsa Comelec Resolution No. 9721, Sec. 3 ng Republic Act No. 10367 at Resolution No. 9717.

Patuloy parin na pinapaalalahan ng comelec ang lahat ng magpapatala na magdala ng mga kinakailangang requirements katulad ng Birth Certificate at dapat nasa edad labing lima hanggang labing pitong taong gulang para sa SK election, sa Barangay election naman ay dapat edad labing walong taong gulang pataas at magdala ng Cedula. (Arnel M. Turzar/Eduard Ramos)

Comments