Casiguran Economic zone, inimbestigahan ng ISM.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang grupo ng International Solidarity Mission sa loob ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority  kahapon (Hulyo 16) sa bayan ng Casiguran partikular sa mga Barangay ng Esteves, Dibet at Bianoan.

Ang Delegasyon ng ISM ay Binubuo ng higit 40 katao, labing-isa dito ay mula sa bansang Denmark at The Nederlands, kabilang din sa delegasyon ang ilang miyembro ng NGO’s, Media at Peace Advocates sa Aurora at labas ng lalawigan.

Layunin umano ng grupo na malaman at imbestigahan ang iba’t ibang Paglabag sa Karapatang Pantao na idinudulot ng implementasyon ng iba’t ibang  Development Project sa lalawigan particular sa ecozone.

Kasabay ng ISM naglagay din umano ng mga tarpaulin sa mga pangunahing lansangan ang mga Pro-APECO upang ipahayag ang kanilang pagsuporta sa naturang proyekto.

Hindi naman umano ito ikinagulat ng grupo, bagkus inaasahang din nila na magsasagawa ng mga propaganda ang mga pro-apeco.

Ayon sa grupo, ksabay ng kanilang mga pagkilos o programa laban sa apeco, sinasabayan din umano ito ng propaganda ng pro-apeco. (Arnel M. Turzar)

Comments