CASPI General Assembly, muling idinaus sa bayan ng Baler.

Muling idinaus sa bayan ng Baler sa ikalawang pagkakataon ang apat na araw ng ika-12 CASPI General Assembly na nagsimula noong Lunes, Hulyo 15 at magtatapos ito bukas, Hulyo 18, 2013.

Ang asembleya ng lahat ng kawani ng paaralang Katoliko sa Prelatura ng Infanta may layuning  palakasin at mapatibay ang solidarity ng lahat ng paaralang Katoliko sa bahagi ng Aurora at Quezon ganoon din ang pagpapanibago ng ugnayan at pagpapalawak ng karanasan sa pagtuturo ng katolikang edukasyon sa mga kabataan.

Matapos ang kanilang iba’t ibang programa sa Sentro Baler, dakong ika-isa ng hapon nagkaroon ang mga ito ng Motorcade paikot sa boong Sentral Aurora, matapos ang motorcade nagkaroong naman ng parada mula sa Mount Carmel College patungo sa Sentro Baler na kung saan dito ipinagpatuloy ang ibang pang mga programa katulad ng parlor games at Dinner with Band & Comedian.

Ngayong araw (Hulyo 17) magpapatuloy ang kanilang mga gawain at programa, na kinatatampukan ng Holly Mass, Talk on K-20: Grade 11-12, at parlor games and raffles. (Arnel M. Turzar)

Comments