COMELEC, inaanyayahan ang mga taga Aurora na di pa botante na magparehistro.

Tinatawagan ng Commision on Election (Comelec) ang mga taga Aurora na hindi pa rehistradong botante na ayusin na ang aplikasyon bago matapos ang buwang ito.

Ayon sa poll body, ang mga kwalipikadong bumoto para sa Halalang Sangguniang Kabataan ay ang mga nasa edad 15 hanggang 17, samantalang yung maaring makibahagi sa Halalang Pambarangay ay mga nasa edad 18 taong gulang pataas.

Inaabisuhan ang mga magpaparehistro na magdala ng valid ID o alinmang pagkakakilanlan gaya ng birth certificate at cedula.

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga magpaparehistro na bukas ang kanilang tanggapan sa araw-araw, Lunes hanggang Linggo, mula Alas-otso ng umaga hanggang Alas-singko ng hapon. (Arnel M. Turzar)

Comments