COMMUNITY HOSPITAL SA DINGALAN, AURORA, NANAWAGAN DAHIL SA KAKULANGAN NG KAGAMITAN

Nananawagan ang ilang mga residente at nurse ng Community Hospital ng Dingalan na mabigyan ng pansin ang kakulangan ng kagamitan sa naturang pagamutan.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News, nangangailangan ang naturang pagamutan ng isang medical technologist o medtech na siyang magsasawa ng mga laboratory test upang matukoy kung may-dengue ang isang pasyente o wala.

Aniya, kung sakaling may karamdamang ang isang pasyente at kailangan sumailalim sa pagsusuri, kakailanganin pa nitong tumakbo sa Gavaldon Community Hospital na sakop ng kasunod na lalawigan ng Nueve Ecija.

Wala rin umanong doctor sa naturang pagamutan kung sabado at linggo kung kaya’t walang katiyakang malalapatan ng kaukulang lunas ang isang may karamdaman. (Eduard Ramos)

Comments