CONG. CASTILLO, MATAPOS MAKAPANUMPA, TAUS PUSONG NAGPASALAMAT

Taos pusong nagpapasalamat si out going governor at elect congresswoman Bellaflor Angara-Castillo sa lahat ng mga dumalo at nakiisa upang masaksihan ang kanilang mga panunumpa bilang mga nanalong officials  sa lalawigan ng Aurora.

Ito ang iniwang pananalita ni Castillo sa kanyang pagtatapos bilang Governor at panunumpa naman bilang Congresswomen ng Lalawigan noong Hunyo 30, 2013 na ginanap sa Capitol Ground, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Lubos ding pinasalamatan ni Castillo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga organisasyon. Pagpupugay naman ang ipinaabot niya sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan., sa bisa at lakas ng pagkakaisa na sama-samang isinulong ang mga batas at mga kapasyahang nagpapatibay sa ika 6 na puntos na gawing pangkaunlaran - ang kalusugan, edukasyon, agrikultura, kabuhayan, turismo at kalikasan, at kaunlarang pantao.  

Binigyan diin ni Angara-Castillo sa kanyang huling talumpati na dapat magkaisa at mag tutulong  tulong para sa patuloy na progreso ng lalawigan ng Aurora.(Arnel M. Turzar)

Comments