Dalawang kabataan sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora, dahil sa kagustuhang matutong magmaneho ng motorsiklo, nauwi naman sa aksidente

Nagtamo ng minor injury sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang menor de edad na mag-aaral ng Dinadiawan National High School ng nasabing bayan kamakailan.

Ayon sa impormasyong nakalap ng CMN News, galling umano ang dalawang dalagita sa isang kasiyahan doon din sa naturang Barangay, pauwi na umano ang dalawa magka-angkas sa motorsiklo, nang bigla umano sumemplang ang dalawa.

Dahil sa natamo ng mga ito, agad silang idinala sa pagamutan sa bayan ng Baler para lapatan ng karampatang lunas.

Samantala, pinaaalalahanan ang lahat ng magulang na huwag hayaang magmaneho ang kanilang mga anak na wala pa sa hustong gulang para magmaneho ng ano mang uri ng sasakayan para maiwasan ang aksidente na sanhi ng kakulangan sa kaalaman sa pagmamaneho. (George Balbero)

Comments