Delegasyon ng ISM, nag-courtesy kay Gov. Noveras.

Nagsagawa ng courtesy visit ang mga delegasyon ng International Solidarity Mission kahapon ng tanghali kay Aurora Gov. Gerardo Noveras, sa kanyang tanggapan sa Provincial Capitol.

Ang Delegasyon ng ISM ay Binubuo ng Higit 40 katao, labing-isa d2 ay mula sa bansang Denmark at The Nederlands, kabilang din sa delegasyon ang ilang miyembro ng NGO’s, Media at Peace Advocates.

Inilahad ng ISM kay Noveras ang Layunin kung bakit sila ay narito sa lalawigan ng Aurora, ayon kay Sister Cecilia Ruiz ng Karapatan Central Luzon, nais alamin ng Grupo ang kalagayan ng mga residente na apektado ng proyektong APECO sa bayan ng Casiguran.

Napag-usapan din ang suliraning sa lalawigan ukol sa paglabag sa karapatang pantao, gayundin ang naganap na demolisyon kamakailan sa Sitio Virrey, Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Sinabi naman ni Noveras sa grupo ng ISM na hindi nito itotolerate ang anumang karahasan na nagaganap maaaring maganap sa lalawigan sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Inabot ng halos 25 minuto ang pakikipag-usap ng delegasyon kay Gov. Noveras, matapos ito ay nagpatuloy na ang paglalakbay ng grupo patungo naman sa bayan ng Casiguran upang doon isagawa ang Mission ng naturang delegasyon.

Bukod sa ecozone magkakaroon din sila ng imbestigasyon sa pamamaslang kay Romualdo “ka Waldo” Palispis, na pinaslang noong Hunyo 30, 2012 sa bayan ng Maria Aurora, Aurora at kay Willem Geertman na pinaslang namang noong Hulyo 3, 2012 sa San Fernando, Pampanga. (Rey F. Fernando/Arnel M. Turzar)

Comments