Disaster drill sa Dingalan, bahagi ng paghahanda.

Matagumpay ang isinagawang Disaster Drill sa paaralan ng Umiray National High School sa bayan ng Dingalan, Aurora kamakailan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 56 Infantry Battalion, mga Barangay Official  at ng Red Cross Dingalan sa pangunguna ni Joel Gonzales na siyang nagging tagapagturo.

 Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan ganoon din ng mga guro sa pangunguna ng kanilang Punong Guro na si Josie Mora.

Isinagawa ang ganitong pag-aaral o pagsasanay sa layuning malaman ng mga kabataan ang nararapat at hindi dapat gawin sa panahon na may sakuna. Ito umano ay bilang paghahanda sakaling dumating ang panahon ng kalamidad.

Lubos namang nagpasalamat ang mga kawani ng naturang paaralan sa mga naging instrument ng pag-sasanay. Malaki umano ang maitutulong nito sa pagliligtas ng buhay lalo na sa mga kabataan. (Arnel M. Turzar/Eduardo Ramos)

Comments