Drug Awareness symposiums, isinagawa ng mga mag-aaral ng MCC Baler

Nagsagaw kahapon ng symposium na may kaugnayan sa Drug Awareness ang mga mag-aaral ng Mount Carmel College Baler, Aurora na dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula Higher Deparment.

Sa pagsususmikap ng Student Body Organization sa pangunguna ni SBO President Airon De Guia katuwang mga opisyal nito, naisakatuparan ang naturang programa sa ilalim ng temang “Global Action for Healthy Communities Without Drugs”.

Dito ipinakita ng mga mag-aaral sa harapan ng mga judges ang epekto ng droga sa kalusugan ng tao at sa pamayanan sa pamamagitan ng Documentary video, painting, slogan at mga larawan. Naging judges sina Mrs. Florabell Aragon, Mr. Jeffrey Roseuno at Mrs. Cleo Barawi. 

Ang symposium ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa mga departamento ng Edukasyon, Business Administration, ACT, Criminology, Office Administration at A.B Department.

Ang ganitong mga pag-aaral ay isang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng malawak na kaalaman bilang mga mag-aaral sa Katolikong Edukasyon lalo na sa Mount Carmel School. (Arnel M. Turzar)

Comments