DTI-Aurora, may nakatakdang magsagawa ng KAPIHAN Session

Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) Aurora ng kanilang “KAPIHAN @ DTI” bilang isang pamamaraan upang ipaalam sa publiko ang mga accomplishment at program implementation update ng ahensya.

Nakatakdang magsagawa ng Kapihan @ DTI sa darating na ika-25 ng Hulyo, 2013 ganap na ika-isa ng hapon sa kanilang tanggapan sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora.

Ang kapihan ay isang buwanang sesyon, kung saan regular ding inaanyayahan ang mga partner agencies at stakeholder ng DTI, mga kinatawan mula sa LGU at mga kinatawan ng iba’t-ibang radio station at iba pang media sa Aurora.

Tatalakayin sa kapihan ang update on Business Permit & Licensing System and Streamlining Program Implementation, Business Name Registration at iba pang isyu kaugnay sa programa ng DTI. (Arnel M. Turzar)

Comments