FORWARD TRUCK NAHULOG SA BANGIN - Maria Aurora, Auroa

Nahulog sa bangin ang isang Forward Truck sa bulubunduking bahagi ng Maria Aurora, Aurora kahapon (Hunyo 03).

Ayon sa Maria Aurora PNP, dakong ala-una ng hapon nangyari ang hindi inaasahang aksidente sa Barangay Villa ng naturang Bayan.

Dahan-dahan umanong paahon sa bundok ang naturang truck na may plakang WRS 110 na minamaneho ni Eddie Mar Toledo y Castillano ng Dasmariňas, Cavite,  nang bigla umanong gumuho ang lupa na kinaroroonan ng sasakayan na kargado ng buko paluwas ng lalawigan.

Nahulog subalit naman hindi dumeritso sa ilalim ng bangin ang naturang truck dahil bumara ito sa punong kahoy. 

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang aksidente. (Arnel M. Turzar)

Comments